BINURA ni Filipino karateka James delos Santos ang kanyang sariling record sa pagkopo ng kanyang ika-37 gold medal sa online kata noong Biyernes.
Tinalo ng world’s top ranked e-Kata player si Matias Moreno Dormont ng Switzerland sa finals ng Athletes’ E-Tournament upang mahigitan ang 36-gold-medal record na kanyang naitala noong nakaraang taon.
“The Athlete’s E-Tournament #6 has been concluded! I finally broke my previous overall record of 36 to 37 golds this year,” wika ni Delos Santos sa isang post sa Instagram.
Bago nakaharap si Dormont ay ginapi ni Delos Santos si Sergio De Cabo ng Spain.
Target ni Delos Santos na palawigin ang kanyang gold record sa paglahok sa marami pang kumpetisyon ngayong taon.
“I’m not finished. There are still a few more tournaments left for this year. Time to finish it strong!” aniya.