DENNIS TRILLO BALIK KAPAMILYA

Ober da bakod daw ngayon ang aktor na si Dennis. Since 2017 pa daw na walang legal contract ang actor sa Kapuso Network, at dahil tapos na ang kanyang serye ngayon sa GMA7, kasado na ang paglipat niya sa ABS-CBN. Tinapos lang daw talaga ni Dennis ang The Legal Wife sa Kapuso Network. Matapos na sumemplang sa rating ang show, agad tinapos ang nasabing serye.

Pero nagtataka ang mga supporters ni Dennis sa balitang lilipat nga siya sa Kapamilya network lalo pa ngayong buntis si Jennylyn Mercado. Kung kelan malapit na silang ikasal ng kanyang fiancé, saka naman nya ito iiwnan sa Kapuso Network.

 

PAGEANT ORGANIZER MAKUKULONG

Anumang oras, po­sib­leng dalhin sa NBI ang kasong isasampa ng mga naging candidates ng isang pageant. Hinuthutan daw kasi sila ng datung ng pageant organizers. Ayon pa nga sa isang candidate, umabot sa isang milyon ang nagastos niya sa pageant na yun dahil sa over pricing ni Pageant Organizer. Pati raw bayad sa hotel, may patong si Pageant Orga­nizer. Ganun din daw ang mga make up artist.

Hindi ma-take ng mga candidates ang panlolokong ito ng pageant organizer. May nagsabi pang nagkabilihan ng korona bago pa ang Coronation night, kaya ang dapat na manalo nun gabi ay umuwing luhaan.

Super imbierna ang mga candidates ng nasabing pageant kaya sa husgado na sila dudulog.

Sabi pa raw ng mga nanalo sa Pageant, hinihi­ngian sila ng kalahating milyon para sa paglaban sa ibang bansa. Ibig sabihin, ang nanalo sa pageant ang gagastos sa pagsali sa international Pageant.

Boom. Nagulat ang nanalo dahil akala nya, may makukuha siyang datung. Inaasahan nyang may makukuha siyang prize, yun pala malalagasan pa. Sa mada­ling sabi, si budol pala si Pageant Director. Kaya humanda itong budol na Organizer at malapit na siya ma kulong.