DESSA SUSUNOD SA YAPAK NI HIDILYN

Dessa delos Santos

KUNG mayroon mang lifter na susunod sa yapak ni Brazil Olympics silver medalist at reigning Asian Games at Southeast Asian Games champion Hidilyn Diaz, ito ay si Dessa delos Santos.

“She’s strong and promising. She is another Hidilyn Diaz in the making. Sinubaybayan ko ang career ni Delos Santos. Ang sabi ko sa aking sarili ay malayo ang mararating niya dahil bata pa,” sabi ni Weightlifting Association of the Philippines vice president Elbert Atilano.

Nanalo si Delos Santos ng tatlong pilak sa nakaraang Asian Youth Weightlifting sa Tokyo kung saan gagawin ang 2021 Olympic Games.

Sinabi ni Atilano na kung mabibigyan si Delos Santos ng mahabang foreign exposures at sapat na tulong ito upang mapantayan hindi man mahigitan ang mga nakuhang karangalan ni Diaz.

“Given enough exposure, training and support, I am sure she will reap many honors like Diaz,” wika ni Atilano patungkol sa 17-anyos na Zamboanguena.

Matapos manalo sa Tokyo, dinomina ni De los Santos ang kanyang division sa Batang Pinoy.

Hindi lumahok si Delos Santos sa qualifying dahil bata pa at kulang pa sa karanasan.

“Next Olympic Games puwede na. Hinog at hasang-hasa na sa laban,” sabi ni Atilano na dati ring lifter at coach at kasalukuyang nag-aalaga ng mga lifter sa Zamboanga,

Dalawa pang promising lifters sina Kristel Macrohon at Rosegie Ramos, ayon kay Atilano.

“Tulad ni Delos Santos ay maganda ang future ng dalawa kung mabibigyan ng tulong at suporta ng Philippine Sports Commission,” ani Atilano. CLYDE MARIANO

Comments are closed.