‘DI MATANGGAP ANG KAMATAYAN NG KAIBIGAN, 34-ANYOS NAG-SUICIDE

suicide

TAGUIG CITY – NAGPAKAMATAY ang isang 34 taon-gulang na lalaki sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang 49 palapag ng kanyang tinitirhan na condominium-building sa Bonifacio Global City kamakalawa ng gabi  matapos na hindi nito matanggap ang pagkamatay ng kanyang kaibigan.

Agad namang isinugod sa ospital si Karlhenz Roca na naninirahan sa no. 27 A Tower 1 Trion Building Mc Kinley Parkway BGC subalit wala na itong buhay sanhi ng pagkabasag ng bungo at matin­ding pinsalang tinamo sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Base sa isinumiteng report kay Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City Police dakong 11:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa condominium-building ng biktima na matatagpuan sa 8th Avenue corner Mc Kinley Parkway BGC, Taguig City.

Ayon sa pulisya isang security guard na nakilalang si Jomiel Panahon ang kasalukuyan nagroronda sa nasabing gusali nang makita nito ang duguang biktima.

Agad namang ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang insidente at  isinugod  ang biktima sa nasabing pagamutan.

Ayon kay Santos posibleng nagpatiwakal ang biktima dahil sa hindi nito matanggap ang pagkamatay ng kaibigan nito kamakailan. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.