ILANG pangunahing bilihin na hindi sakop ng suggested retail price (SRP) ang tuloy pa rin ang pagtaas ng presyo sa kabila ng pakiusap ng pamahalaan na huwag muna itong ipatupad.
Sa ulat ng ABS-CBN News, kabilang dito ang isang brand ng sardinas na nag-abisong magtataas ng presyo ng hanggang 3 porsiyento.
“You cannot control and force companies to do this or that because may pinapakain [ang mga] tauhan, pamilya ng mga tauhan, buwis na binabayaran, koryenteng kailangang bayaran,” wika ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua.
Nauna rito ay nakipagpulong ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer upang pakiusapan ang mga ito na huwag munang magtaas ng presyo hanggang dulo ng taon, ngunit wala pa umanong desisyon dito ang mga gumagawa ng de-latang karne at sardinas.
Sakali mang magtaas, kakayanin pa rin umano ito ng mga konsumer
Naniniwala naman si Canned Sardines Association of the Philippines Executive Director Francisco Buencamino na sakaling magtaas ng presyo ay kakayanin ito ng mga consumer.
“Sa nakita namin, kinaya naman nila e. Bumebenta pa naman kami sa presyong ‘yon before the SRP was rolled back,” aniya.