DIAZ 2 BUWANG MAGSASANAY SA CHINA

Hidilyn Diaz-5

NAKATAKDANG umalis patungong China si Brazil Olympics silver at Asian Games gold medallist Hidilyn Diaz sa unang linggo ng Pebrero para mag-training sa loob ng dalawang buwan.

Ito ay bilang paghahanda sa dalawang Olympics qualifying competitions na gaganapin sa Nimbo (China) sa Abril at sa Thailand sa Setyembre.

Sasamahan si Diaz ni Chinese coach Kai Wen Gao para masusing masubaybayan ang kanyang training at mabigyan ng pointers kung saan sasabak ang 27-anyos na lifter at anak ng isang tricycle driver sa Zamboanga sa 53 kilograms.

“Seryoso at dibdiban ang training ko dahil gusto kong makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics,” sabi ni Diaz.

Si Diaz ay isa sa mga atleta na pararangalan bilang ‘PSA Athletes of the Year’,  kasama sina fellow Asian Games gold medallists Yuka Saso, women’s golf team at Margielyn Didal, sa susunod na buwan sa Manila Hotel.

Sinabi Diaz na makakalaban niya ang mga lifter mula sa 30 bansa sa dalawang naturang torneo.

Ang dalawang buwang training ay kasama sa paghahanda ni Diaz sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nob­yembre kung saan outstanding favourite ang Pinay dahil sa kanyang malawak na karanasan.

Ayon kay Diaz, ang 2020 Tokyo Olympics ang huling kompetis­yon na kanyang sasalihan bago siya magretiro.

“The Tokyo Olympics is my last competition. Hindi na ako bata at natupad ko na ang minimithi ko sa buhay at marami na akong ibinigay na karangalan sa bansa. Kailangang i-focus ko ang aking attention sa mga bagay sa aking buhay,” ani Diaz.

“Hindi na ako bata. Panahon na para lisanin ko ang weightlifting at bigyan ng pagkakataon ang mga bata na lumaban sa labas,” dagdag pa niya.  CLYDE MARIANO

Comments are closed.