DIAZ ABOT-KAMAY NA ANG OLYMPIC SLOT

Hidilyn Diaz-4

HALOS nakasisiguro na si Brazil Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz na makalaro sa 2020 Tokyo Olympics, kasama sina Ernest John Obiena at Carlos Edriel Yulo.

“She’s almost there. She’s within the Magic 8 circle in her division and needs to compete in the remaining two of the six qualifying tournaments to finalize her stint for the second straight times in the Olympics,” sabi ni coach Tony Agustin sa panayam ng PILIPINO Mirror.

Ayon kay Agustin, nanalo si Diaz sa dalawa sa apat na qualifying at kailangang sumali siya sa huling dalawang  qualifying na gagawin sa Italy at Kazakhstan upang isapinal ang pagkuwalipika niya sa Olympics.

Nanalo si Diaz sa World Weightlifting na idinaos sa  Pattaya at sa Southeast Asian Games na ginanap sa bansa.

“Hidilyn is our best bet in weightlifting in Tokyo. Sana ay muling palarin siya at bigyan ng karangalan ulit ang ating bansa,” wika ni Agustin, medalist sa SEA Games noong kabataan niya.

Bago nanalo sa Thailand at Pinas, nagwagi rin ang 29-anyos na Zamboanguena at anak ng isang tricycle driver sa Asian Games sa Indonesia at sa Asian Indoor Games at Mixed Martial Arts sa Turkmenistan.

Sasabak si Diaz sa 56kg. na kanyang dinomina sa Asian Games, SEA Games sa Malaysia at Pinas at ASEAN Weightlifting sa Myanmar.

“Nasa peak at nasa tamang condition si Diaz. May pag-asa na muling makakuha ng medalya sa Tokyo,” sambit ni Agustin.

“Naghanda nang husto si Diaz kaya maganda ang kanyang performance sa mga qualifying na kanyang sinalihan,” dagdag pa ni Agustin.

Si Diaz ay kasama sa priority athletes ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez. CLYDE MARIANO

Comments are closed.