DIDAL TODO PAGHAHANDA SA OLYMPICS

Margielyn Didal

SA KABILA na bagito ay hindi nakitaan ng pangamba si skateboarder Margielyn Didal at determinado itong sungkitin ang ginto sa una niyang pagsabak sa Tokyo Olympic Games sa susunod na buwan.

“Naghanda ako nang husto dahil gusto kong manalo at bigyan muli ng karangalan ang bansa tulad ng ginawa ko sa Asian Games at Southeast Asian Games,” sabi ng 22-anyos na anak ng isang karpintero at sidewalk vendor sa Cebu.

Lalaruin ang skateboard sa Olympics sa unang pagkakataon.

Sinabi ni Didal na gagawin niya ang lahat para mapasakamay ang ginto at maibulsa ang P5 million cash incentives mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kay Didal, hilig niya talaga ang skateboard at nagtatago siya noon sa kanyang mga magulang dahil ang gusto nila ay magtapos siya ng pag-aaral para magkaroon siya ng magandang kinabukasan.

“Napabayaan ko ang aking pag-aaral dahil sa skateboard. Sa katunayan, nagtatago ako sa aking mga magulang para maglaro ng skateboard,” pagtatapat ni Didal.

“Sana ay magtagumpay si Didal sa Tokyo. Siya ang lone entry natin. Hindi nag-qualify si Kiko Francisco. May tiwala ako na kaya niyang manalo dahil may likas na galing siya sa skateboarding,” sabi ni association president Carl Sambano.

Nagsasanay si Didal sa Cebu sa ilalim ni coach Dani Bautista matapos na makapasa sa qualifying.

Lumahok din siya sa dalawang torneo sa Los Angeles, USA at Melbourne, Australia. CLYDE MARIANO

48 thoughts on “DIDAL TODO PAGHAHANDA SA OLYMPICS”

  1. 693391 338386Hmm is anyone else encountering issues with the pictures on this blog loading? Im trying to figure out if its a issue on my finish or if it is the blog. Any responses would be greatly appreciated. 389812

  2. 123626 804545Your article is truly informative. More than that, it??s engaging, compelling and well-written. I would desire to see even more of these types of fantastic writing. 814738

  3. 249905 222108Quite very good written post. It will probably be valuable to anybody who usess it, including myself. Maintain up the great work – canr wait to read more posts. 249242

Comments are closed.