MULING nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari sa Davao City.
Kasunod ito ng naging pagkikita ng dalawa noong Nobyembre kung saan natalakay ang pagbuo ng peace coordinating body na siyang mangangasiwa sa pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at MNLF.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go, pursigido si Pangulong Duterte na umusad ang mga usapang pangkapayapaan bago matapos ang termino nito sa 2022.
Aniya, pinasalamatan din ng Pangulo si Misuari para sa ibinibigay nitong suporta sa kanyang administrasyon.
Gayundin, tiniyak ni Pangulong Duterte ang pangakong makakamit ang pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao. DWIZ 882
Comments are closed.