DIGONG SA BAHAY LANG MAGBE-BIRTHDAY

PRES-DUTERTE-7

MANANATILI lamang sa kanyang bahay sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiriwang ngayong araw ng kanyang ika-74 na taong kaarawan.

Ito ang pahayag ng Pa­ngulong Duterte sa kanyang talumpati sa ginanap na campaign rally ng  senatorial bets ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Koronadal City, South Cotabato.

“Historically, ayaw kong mag-celebrate ng birthday. Gusto ko sa bahay lang matulog ako,” wika ng Pangulo.

“And if there’s somebody that is really welcome to me, ‘yung mga anak ko, pati ‘yung apo ko,”  sabi pa ng Pa­ngulo.

Si Pangulong Duterte ay may apat na anak- sina Veronica “Kitty” Duterte sa kanyang common law wife na si Cielito “Honeylet” Avancena, at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, at Sebastian Duterte sa kanyang unang asawa na si Elizabeth Zimmerman.

“Iyong mga asawa ko maski hindi nila ako pansinin okay lang. May galit man sila sa akin so mag-inom na lang ako ng tubig pakalma,” dagdag pa ng Pangulo.   EVELYN QUIROZ

Comments are closed.