NAGHAHANDA na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Philippine National Police (PNP) para sa nakatakdang pilot implementation ng granular lockdowns at alert level system sa Metro Manila.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, may tatlong area silang binalangkas at natapos na nila ito.
Kailangan na lamang aniya nila itong paaprubahan upang magkaroon na ng kabuuang guidelines.
Sa panig naman ng PNP, sinabi ni PGeneral Guillermo Eleazar na inatasan na niya ang ahensiya na makipag-ugnayan sa local government units (LGUs) bago sumapit ang Setyembre 16.
Ang mga lugar umano na isasailalim sa granular lockdown ay aabisuhan 24-oras bago ang implementasyon nito, upang mabigyan sila ng pagkakataon na maghanda.
Samantala, tutulong din naman ang national government sa distribusyon ng ayuda para sa mga residente ngunit wala na umanong ipamamahagi na tulong pinansiyal.
Nabatid naman na isang alert level lang muna ang ipaiiral sa Metro Manila sa panahon ng dalawang linggong pilot implementation ng granular lockdown.
Nilinaw naman ni Densing na ang alert level ay hindi ibabase lamang sa bilang ng lungsod at sa halip ay ikokonsidera rin ang healthcare utilization rate doon.
“Hindi po limitado sa cases ang mga pamantayan ng DOH based sa kanilang summary is una iko-consider talaga ang healthcare utilization rate. Kailangan mas mababa sa 70%. Pagbabasehan din ‘yung pagbaba o pagtaas ng numero ng mga cases at ‘yung ADAR,” dagdag pa ng DILG official. EVELYN GARCIA
359173 791339You got a really amazing internet site, Glad I observed it by means of yahoo. 317569
Your explanation is organized very easy to understand!!! I understood at once. Could you please post about baccaratcommunity ?? Please!!
BB
Your writing is perfect and complete. safetoto However, I think it will be more wonderful if your post includes additional topics that I am thinking of. I have a lot of posts on my site similar to your topic. Would you like to visit once?
35490 53760A great deal of writers recommend just writing and composing no matter how bad and if the story is going to develop, you will suddenly hit the zone and itll develop. 151621