DILG, DSWD, DND (sanib-puwersa sa maayos na distribusyon)

Eduardo Año

TINIYAK ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte na magiging maayos ang pamamahagi ng cash aid ngayong araw para sa 10.7 milyong Pinoy na low-income earners at nakatira sa Metro Manila na kabilang sa isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) upang pigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 Delta variant.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Duterte, tiniyak ni Año na nagsanib pu­wersa ang pinamumunuang ahensiya na DILG, Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of National Defense (DND) para sa maayos at mabilis na pagpapatupad sa Joint Memorandum Circular No. 3 o ang pamamahagi ng ayuda.

Alinsunod sa DILG’s Joint Memorandum Circular No.3 series of 2021, ilalabas ng pamahalaan ang P10.98 billion para i-subsidy o alalayang pinansiyal ang mahigil 10 million low-income Filipinos sa Metro Manila na dumaranas ngayon ng ikatlong lockdown.

Sinabi ng kalihim na ang mga benepisyaryo ng ECQ ayuda ay ang ma­liliit ang suweldo at mga pamilya na tinukoy ng mga local government unit kasama  ang mga residente ng apektado ng ECQ.

“The recipients will be the low-income individuals and families identified by the LGUs. Long-term or temporary NCR residents affected by the enhanced community quarantine (ECQ) are entitled to receive the cash aid,” ayon kay Año.

Tinatrabaho na rin ng DILG ang  P278-million supplemental budget para matiyak na mabibigyan ng ayuda ang lahat ng qualified Metro Manila residents.

“At sisiguraduhin po na magiging maayos ang distribution sa tulong ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines. Magbibigay po ako ng ulat kada linggo kapag nagsimula na po ang ating pagbibigay ng ayuda,” dagdag pa ni  Año.  EVELYN QUIROZ

123 thoughts on “DILG, DSWD, DND (sanib-puwersa sa maayos na distribusyon)”

  1. 873780 587105Thanks for providing such a fantastic post, it was excellent and quite informative. Its my initial time that I visit here. I located plenty of informative stuff inside your write-up. Maintain it up. Thank you. 267620

  2. Excellent blog! Do you have any suggestions for aspiring
    writers? I’m planning to start my own site soon but I’m a little lost on everything.
    Would you propose starting with a free platform like WordPress or go for a paid
    option? There are so many options out there that I’m totally
    overwhelmed .. Any ideas? Kudos!

Comments are closed.