PLANO ng Philippine hotel industry na babaan ang rates upang mapalakas ang domestic tourism makaraang umabot na sa P22 billion ang kanilang lugi dahil sa outbreak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Philippine Hotel Owners Association (PHOA) representative Rafael Chico, ang lugi ng hotel industry ay tinatayang kalahati ng P44-billion loss na natamo ng tourism industry sa kabuuan.
“Sa hotel, I believe mas malaki ang percentage niya sa hotel. Siguro kung i-po-pro rata mo ‘yung P44 billion, nasa 50% ‘yan palagay ko,” ani Chico.
Aniya, kasama na rito ang hotel revenue kung saan marami nang nagkansela dahil sa travel ban at lockdown ng airports at flights.
Ang Filipinas ay nagpatupad ng travel ban sa mainland China, Hong Kong, Macau, at mga piling lugar sa South Korea dahil sa outbreak ng coronavirus disease.
Kalaunan ay inalis ng pamahalaan ang travel ban sa Hong Kong at Macau para sa overseas Filipino workers, students, at permanent residents.
Ayon kay Chico, plano nilang mag-alok ng diskuwento upang himukin ang domestic tourism at dumami ang mga magpapa-book sa local hotels.
“There are some hotels greatly affected and they are now thinking of promoting cost reduction program,” aniya.
“If we will be able to promote the domestic tourism in the country, we will be able to bounce back and we will be able to at least cope with this negative effect of the reduced influx of tourists into our country,” dagdag ni Chico.
Kabilang, aniya, sa mga hotel na magpapatupad ng rate cut ang Okada Manila, na inaasahang mag-aalok ng 40% promo rate.
“I was meeting with some of the officers and they are willing to offer a package that will be very attractive to stay and of course, to play around in the premises,” sabi pa ni Chico.
Dagdag pa niya, may ilang hotels ang nagbabalak na bawasan ang working hours ng mga empleyado para mapababa ang man-power costs.
“Maybe ‘yung compressed work hours land or flexibility work arrangement na tinatawag. Halimbawa, ‘yung 48 hours puwedeng maging five days na lang or 32 hours sa back of the house ‘yung mga admin staff.”
Comments are closed.