DISIPLINA SA KALSADA SA E-BIKE

HINDI na dapat bara-bara ang mga E-trike at E-bike dahil nagsimula na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na manghuli sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Hanggang nitong Miyerkoles nasa 132 indibidwal ang natiketan habang 41 ang na-impound ang unit kabilang ang tricycle, 72; pedicab, 4; E-trike, 26 at E-bike, 29.

Tumataginting na P2,500 ang multa at kung hindi rehistrado o walang lisensya ang nagmamaneho nito, kumpiska at impound ang unit.

Maganda ang layunin ng regulasyon kaya ipinatutupad ang panghuhuli para maiwasan ang mga aksidente, at maiwasan ang bigat sa daloy ng trapiko.

Marami nang motorista ang nagrereklamo sa trapikong dala ng mga E- bike o E-trike kaya tama lamang na magkaroon ng regulasyon dito.

Mahirap na maging malaya nang husto ang mga motorista kaya mahalaga na may sinusunod na batas dito kung saan sila dapat na dumaan.

Isang solusyon ito.para mapagaan ang daloy ng trapiko.