DISKUWALIPIKASYON NG “NARCO-POLITICIANS” BUBUSISIIN NG COMELEC

COMELEC-2

TAHASANG sinabi ng Commission on Elections na dapat busisiin muna ang mga tinatawag na “narco politician” bago ideklarang disqualified.

Ito ang naging paninindigan ni Comelec spokesman James Jimenez, dapat ay may hatol muna sa hukuman bago ideklarang disqualified ito ng komisyon.

Ipinaliwanag ni Jimenez, kailangang maging maingat dahil baka magamit sa pamumulitika ang nasabing isyu.

Nauna nang ipinanukala ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na dapat ideklarang disqualfied ng Comelec ang mga politikong sangkot sa illegal drug trade.

Ang nasabing panukala ay agad naman sinang-ayunan ng liderato ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ani Jimenez, iba’t ibang mga paninira ang inilalabas ng mga politiko laban sa kanilang mga kalaban kaya dapat ay maging maingat ang kanilang tanggapan.

Subalit, nilinaw nito na hindi nila tuluyang ibinaba­sura ang mga panukala para matiyak na hindi maka-kapuwesto sa pamahalaan ang mga sangkot sa ilegal na droga.

Comments are closed.