DIY DISHWASHING LIQUID, NEGOSYO NG TAMAD NA GUSTONG UMASENSO

Sabon. Kailangan talaga ng sabon bawat kilos mo sa bahay, lalo na kung mag­lilinis ka. Grabe, gaano karaming sabon ang nauubos mo sa paglilinis ng plato, kaldero, pati na sa banyo at kusina, isama mo pa ang mga dingding at sahig.

Bilang ina, ako tala­ga ang in charge diyan dahil ewan ko ba kung bakit lahat yata ng millennials, takot sa gawaing bahay. At kung bakit ba naman sabon at sabon din lamang naman ang kailangan, bakit iba-iba pa ang para sa banyo, kusina, dingding, pati na ang pampaligo sa aso. Kaya naisip ko, bakit kaya hindi na lamang ako gumawa ng sabong pwedeng ipanlinis kahit saan?

Dahil ako nga ang in-charge, naisip ko, bakit hindi na lang ako gumawa ng sabon na pwedeng panlinis sa lahat ng kailangan ko para hindi palit ng palit. Siguro, ang pinakamadali ay ang dishwashing liquid dahil pwede itong haluan ng kahit ano.

Halimbawa, kung pampaligo ng aso, pwedeng dagdagan ng suka (white vinegar) na pampatanggal ng pulgas. Kung para naman sa banyo, pwedeng haluan ng chlorine. Pwede rin ito sa sahig at sa dingding. Kung panghugas naman ng plato, pure dishwashing liquid lang pwede na. Since I’m experimen­ting anyway, walang masamang mag-try di ba?

Sa loob ng dalawang taong quarantine – parang nakulong lang sa munti, di ba – marami talaga akong na-experiment. Pandesal, dalgona coffee, banana bread, ube cheese pandesal, cream cheese garlic bread, pati nga kalamay, na-try ko na rin. For a change, dishwashing li­quid naman from scratch. Tutal, hindi naman mali­linis mag-isa ang mga maruruming plato.

Heto ang mga kakailanganin sa paggawa ng dishwashing liquid:

1 cup of boiling water

1 tablespoon of washing soda

½ cup of grated gly­cerin soap

Essential oils of your own choice (optional)

Ang pinaka-common essential oils para sa homemade dishwashing soap ay citrus oils tulad ng lemon at grapefruit. Meron silang antibacterial properties, bukod pa sa nakapagpapabango ito ng sabon. Pwede silang ihalo sa mga complementary scents tulad ng basil, eucalyptus, at peppermint. Kung gusto ninyong mas mild at relaxing ang amoy, subukan ang la­vender.

Ihanda ang paglalagyan ng sabon. Yung mga boteng plastic ng softdrinks at tubig ang ginaga­mit ko dahil sa­yang naman kung itatapon lang, pero kahit anong lalagyan, pwede. Kailangan din ng embudo (funnel) para madaling isalin sa bote.

Sa paraan ng paggawa:

Step 1: Isalin ang washing soda sa kumukulong tubig. Haluin hanggang matunaw

Step 2: Ihalo dito ang grated glycerin soap. Ha­luin uling mabuti hanggang matunaw

Step 3: Patakan ng essential oils depende sa bangong gusto ninyo.

Kung masyadong malapot, dagdagan ng kaunting mainit na tubig hanggang sa makuha ninyo ang husto ninyong consistency. At ganoon lang, tapos na ang diswashing liquid ninyo. Mag-eksperimento kayo hanggang makuha ninyo ang gusto ninyong sabon. Pwede nang isalin sa mga boteng lalagyan.

Ngayong tapos na ang inyong dishwashing liquid, subukan ninyong pagkakitaan.

Ang ibinigay nating recipe ay para lamang sa 750-1000 ml. Kung gusto niyong paramihin, dagdagan na po lamang ito. Pwede po itong ibenta ng P30 per liter na ang puhunan ay hindi bababa sa P10. Tubong lugaw, di po ba. — NV