DJOKOVIC, SINNER SA WIMBLEDON QUARTERFINALS

LONDON — Umabante si six-time champion Novak Djokovic sa kanyang ika-13 Wimbledon quarterfinals nitong Linggo.

Dinispatsa ni top seed Djokovic, nagtatangkang makatabla si Pete Sampras bilang seven-time champion, si Dutch wild card Tim van Rijthoven, 6-2, 4-6, 6-1, 6-2.

“He was very tough. I have never faced him before,” sabj ni Djokovic makaraang maitala ang ika-25 sunod na panalo sa grass.

“He has a great serve, powerful forehand and nice touch.”

Nauna rito ay napanood ni 20-time major winner Djokovic ang pagkatalo ni fifth seed Carlos Alcaraz kay Jannik Sinner.

Naitarak ng 20-year-old Italian ang 6-1, 6-4, 6-7 (8/10), 6-3 panalo upang maisaayos ang duelo sa top seed.

Si Sinner, hindi pa nananalo sa grass court match bago ang Wimbledon, ang pinakabata sa last-eight matapos ni Nick Kyrgios noong 2014.

“Carlos is a very tough opponent and a nice person. It’s always a huge pleasure to play him,” sabi ni Sinner makaraang magmartsa sa quarterfinals ng isang Slam sa ikatlong pagkakataon.

Nangailangan si Sinner ng anim na match points upang selyuhan ang ­panalo.