DND NAKIRAMAY SA NAMATAY NA JAPANESE SOLDIER

Sgt Maehara Suguru

CAMP AGUINALDO – NAKIRAMAY ang  Department of National Defense (DND) sa naulilang pamilya at mga mahal sa buhay ni Sgt Maehara Suguru, ang sundalong hapones na kabilang sa contingent ng Japan Ground Self Defense Force (JGSDF) na nagmamasid sa ginaganap na “Exercise Kamandag”, isang  counter terrorism joint military exercise sa pagitan ng Filipinas at United States na ginaganap sa bansa.

Si Suguro Maehara, 38-anyos, ay nasawi sa isang vehicular accident nang sumalpok ang sinasakyan niyang kotse na minamaneho ng isang sibilyang Pinoy sa  kasalubong na truck sa kahabaan ng Clark Subic Expressway habang nasa adminsitrative mission.

Nabatid na isang observing country ang Japan at may ilang military equipment ng Japan ang ginagamit sa nasabing Humanitarian Assistance and Disaster Response jopint RP US Kamandag exercise.

Isang sundalong hapones din ang nasugatan sa nasabing sakuna subalit ligtas na ito sa kapahamakan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.