POSITIBO ang Department of National Defense (DND) sa magiging resulta ng ginagawang imbestigasyon ng National Bueau of Investigation (NBI) kaugnay sa kaso ng pagpatay sa apat na military intelligence officers nitong Lunes sa Jolo, Sulu.
Tiwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana, agad na matatapos at mareresolba ng NBI ang kanilang imbestigasyon lalo pa’t nakamasid dito ang Pangulong Rodrigo Duterte.
“I think the investigation is about to be finished. According to Sec Año yesterday (Martes) I think he already has the initial result of the investigation,” pahayag ni Sec. Lorenzana sa ginanap na NDCP forum sa Camp Aguinaldo kahapon.
Kaugnay nito, pilit na pinapayapa ni Lorenzana ang mga tauhan ng AFP partikular sa Mindanao na huwag ng gatungan ang emosyon ng mga sundalo bunsod ng pangyayari.
“I told the troops, the commanders yesterday that, to, let us not inflame the emotions of the soldiers, we do not want this to escalate some more, anyway something is being done we will get to the bottom of this,” anang kalihim.
Kasabay nito, tiniyak ng DND at Armed Forces of the Philippines (AFP) na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na opisyal ng Philippine Army base sa imbestigasyon at mga nakalap na ebidensiya.
Base sa inisyal na pahayag ng NBI, nagkatutugma ang pahayag ng mga testigo sa testimonya ng isang sundalo na nakamotorsiklo na nagsisilbing back-up ng SUV kung saan sakay ang mga biktima sa pamumuno ni Maj. Marvin Indammog.
May resulta na rin umano ang ginawang autopsy sa bangkay ng apat na sundalo subalit tumanggi munang ilabas hanggang hindi nata-tapos ang imbestigasyon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.