SA kabila ng isang buwang extension sa pagbabayad ng buwis, nanawagan ang Department of Finance (DOF) sa mga taxpayer na magbayad nang maaga bilang suporta sa pakikidigma laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at para malimitahan ang government borrowing.
Ginawa ng DOF ang apela sa isang statement na ipinalabas noong Martes kung saan sinabi nito na kakalanganin ng gobyerno na gumasta ng higit sa naunang pagtaya na 3.6% deficit threshold.
“We will do what is necessary for the government to spearhead national efforts to overcome this crisis, which means we need to spend at levels that will definitely make us exceed our previously estimated 3.6% deficit threshold,” wika ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.
“Thus, we appeal to taxpayers who are able to file and pay their taxes early to do so, despite the one-month extension, so that we can fund these programs with the least amount of borrowing,” dagdag pa ng kalihim.
Nauna nang pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline para sa paghahain ng Income Tax Returns (ITR) sa May 15, 2020 mula April 15, 2020 bilang tugon sa mga kahilingan na iantala ito sa harap ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Comments are closed.