NANANATILING kanselado ang lahat ng domestic at international flight ng Cebu Pacific at Cebgo hanggang May 1 to 15, 2020, itoy makaraang palawigin ng pamahalaan ang enhanced community quarantine sa buong Luzon at ilang lugar sa Kabisayaan.
Ayon sa pamunuan ng Cebu Pacific, sa kabila ng pagkakansela ng kanilang domestic at international flights ay patuloy ang mga cargo flights bilang pagsuporta sa pamahalaan sa pagdadala ng vital goods sa ibang lugar partikular na ang mga personal protective equipment (PPE) at mga gamot na kakailanganin ng mga frontliner sa ibat-ibang ospital sa mga may sakit ng coronavirus. FROI MORALLOS