DONATION DRIVE NI MAINE MENDOZA PRAYORIDAD ANG MGA DRIVER AT STREET VENDORS

maine mendoza

UMABOT na sa higit P587,677.92 ang total amount na nalikom ni Maine Mendoza bilang donations sa project niyang DoNation Drive as of buzzdayMarch 25. Naging prayoridad ni Maine ang magbigay ng financial aid sa daily wage earners na apektado ng Enhanced Community Quarantine kung saan karamihan ay mga driver ng pampublikong sasakyan at street vendors. Nakabibilib ang ginagawang ito ni Maine na lagpas sa 500 katao ang nakinabang sa kanyang proyekto.

 

YASMIEN KURDI NAGMENSAHE NG SUPORTA SA MGA KAIBIGAN NA FRONTLINERS

NAGPAHATID ng kanyang suporta ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa kanyang former Nursing schoolmates at clinical instructors maging sa kanyang sister-in-law na ngayon ay kabilang sa frontliners na nakikipaglaban sa banta ng COVID-19.

Former Nursing student mula sa Global City Innovative College si Yasmien kaya ramdam at alam niya ang kinakaharap na pagsubok ngayon ng ating health workers.

Aniya, “Sa mga classmates ko noon, sa sis-in-law ko, sa best friend ko na si Krizia at sa mga C.I. ko na frontliners ngayon, mag-iingat kayo. Dalangin ko na maging safe kayong lahat. Kung nasaan mang lugar kayo ngayon. I’m praying for all the frontliners, naiiyak ako…sana matapos na po itong lahat.”

Nakiisa rin si Yasmien kasama ang kanyang anak na si Ayesha sa online concert on Facebook live na #HealingHearts na inorganisa ng GMA Artist Center.

KEN CHAN AT RITA DANIELA NAGBIGAY NG INSPIRING MESSAGES SA MGA APEKTADO NG COVID-19

NAKAGAGAAN sa puso ang uplifting messages ng trending Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela sa mga apektado ng lumalaganap ngayong COVID-19 at sa mga dakilang frontliners na araw-araw aay nakaharap sa panganib ang kanilang mga buhay sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin na makapagligtas ng kapwa.

Sa first ever no-contact online fundraising event ng GMA-7 na pinangunahan ng All-Out Sundays stars nitong nakaraang Linggo, nagbigay-pugay at pasasalamat ang RitKen sa mga sakripisyo ng frontliners maging sa mga patuloy na tumutulong sa mga nangangailangan.

“Para po sa ating mga frontliners, maraming salamat po sa inyong serbisyo. Sa mga nasa bahay po, ‘wag po tayong mag-alala at malalagpasan po natin ito. Tayo po ay Pilipino, walang imposible sa atin, walang imposible sa Diyos.” Dagdag naman ni Rita, may awa ang Diyos at malalagpasan din natin ang krisis na ito, “Mahirap talaga itong pinagdaraanan natin pero nasa perspective ‘yan ng tao. Alam natin lahat na malalagpasan natin ito. God is good.”

 

KAPUSO STARS NAKIISA SA “WE HEAL AS ONE”

NAKIISA ang Kapuso singers na sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Christian Bautista, Mark Bautista, Rita Daniela,We heal as One Ken Chan, at Pops Fernandez sa revival ng 2019 SEA Games official theme song na “We Win As One.”

Ang komposisyon ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab ay muling isinulat at binigyan ng bagong title na “We Heal As One” na naaayon sa krisis na kinakaharap ngayon ng mundo dahil sa COVID-19. Mensahe ng awitin na malalagpasan natin ang pandemic na ito nang sama-sama. Ang ibang singer na kabilang sa campaign na ito ay sina Lani Misalucha, Apl de Ap, Lea Salonga, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Menchu Lauchengco, Jed Madela, Robert Seña, Isay Alvarez, Ogie Alcasid, Iñigo Pascual, Michael Williams, Bamboo, at Paolo Valenciano.

PHOTO SHOOTS NI RAFFY TIMA  NAGPA-WOW SA NETIZENS

MARAMI ang nakapansin na mas malinis ang hangin sa Metro Manila ngayong may enhanced community quarantine na ipinatutupad sa RAFFY TIMALuzon at wala halos sasakyan at tao sa mga kalsada.

May ginawang post ang Kapuso news anchor na si Raffy Tima, ng iba’t ibang mga larawan na kuha niya na di natin basta-basta makikita sa ordinaryong araw sa Maynila.

Marami ang napa-wow sa kuha ni Raffy mula sa GMA Network kung saan kita ang Mount Samat at ang Mount Samat Shrine na matatagpuan sa Bataan. Kita rin sa kanyang ibang mga kuha ang Sierra Madre Mountains at San Mateo Rizal.

Nakatutuwa na makakita ng ganitong posts sa social media at tunay na pampa-good vibes sa gitna ng masasamang balita na nakakalap natin tungkol sa COVID-19. Magandang alternatibo lalo na’t marami sa atin ang di makaalis ng bahay. Sana ay matapos na nga ang COVID-19 para personal na rin nating makita ang mga isinalarawan ni Raffy.

Comments are closed.