SA pagtatapos ng “Victor Magtanggol” ay pasok naman bilang kapalit ang isa sa pinakamalaking teleseryeng ginawa this year ng Kapuso Network, ang “Cain at Abel” na bukod sa unlimited na gastos sa taping ay muling magsasama ang dalawang hari sa Primetime ng Kapuso Network na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Sa mediacom ng naturang teleserye ay kapwa natanong sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo kung mayroong pressure sa kanilang dalawa sa pagtatapat ng kanilang show sa longest-running Primetime teleserye ng bansa na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Say ni Dingdong sa material pa lang ng kanilang bagong teleserye ay pressured na pressure na sila ni Dennis dahilan sa nais nilang bigyan ng magandang panoorin ang televiewers para sa isang magandang istorya. Say pa rin ni Dingdong, mas pressured sila sa pagpapaganda ng kanilang teleserye kaysa sa rating games.
Para kay Dennis Trillo naman, hindi na rin naman bago na maging katapat ng show niya ang teleserye ni Coco, remember nag-tapat na rin ang dalawang Primetine King, si Dennis para sa “Encantadia” at si Coco para “Probinsyano”. Aminado rin ang actor na andun ang pressure since na matagal nang tumatakbo sa ere ang teleserye ni Coco at magsisimula palang sila pero confident si Dennis na sa ganda ng bagong project nila ni Dingdong sa Siyete ay siguradong magugustuhan ito ng mga manonood lalo pa nga’t kapwa hindi sila nagpa-double ni Dingdong pagdating sa kanilang mga deadly stunts.
Sa sobrang busy
RAYVER CRUZ ‘DI NA LAGING MAKASUSUNOD KAY JANINE
MASAYANG malungkot si Janine Gutierrez sa pagtatapos ng kanyang teleserye na “Victor Magtanggol” na papalitan na nga ng “Abel at Cain” nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes.
Say ni Janine, naging malapit na kasi silang mga cast and staff ng VM. Gayunpaman, masaya na rin si Janine kasi matutuloy na rin ang pagbabakasyon niya kasama ang mga kapatid at ama sa US. At sa pagbabalik naman niya after US trip with dad ay ang pagpapakasal na muli ng inang si Lotlot de Leon ang kanyang haharapin.
Magaganap ang nasabing kasalan sa Disyembre. Ilang linggo rin mawawala si Janine sa bansa, which means, pansamantalang long-distance relationship muna sila ng kanyang rumored boypren na si Rayver Cruz. Kung kaya nang matanong si Janine kung kasama si Rayver sa trip niya with her father sa US, ay simpleng hindi ang naging tugon ni Janine. Pero knowing Rayver, bigla na lang siyang su-musulpot sa harap ni Janine kahit nasa malayong lugar ang dalaga. Eh ngayon, dala-dalawa ang show ni Rayver sa Siyete, ang “Studio 7” at “Asawa Ko, Karibal Ko”, makagawa kaya ng time si Rayver na maka-punta ng US para makapiling kahit ilang araw si Janine? Isang simpleng ngiti lang ang naging tugon ni Janine kung pupuntahan ba siya ni Rayver sa US.
Comments are closed.