NAVOTAS CITY – NAG-POST muna ng message sa Facebook ang isang jeepney driver bago nagpasyang magbigti sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang biktima na si Michael Sevilla, 39, ng Brgy. Daanghari.
Alas-12:05 ng madaling araw, napansin ng anak ng biktima ang FB post ng kanyang ama na nakasaad ang “Panginoon tulungan mo ako sa ‘di ko magandang gagawin”.
Kaagad pumunta ang anak sa kuwarto ng kanyang ama at nagulantang ito sa pagbigti ng ama gamit ang kawad.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo sa insidente. EVELYN GARCIA
Comments are closed.