MAKATI – NAGSANIB-PUWERSA ang Upjohn, isang Pfizer division, ilang nangungunang healthcare professionals at advocates upang maibsan ang banta ng non-communicable diseases (NCDs) gaya ng mental disorder at tinalakay ang lagay ng mental health sa Filipinas.
Tinalakay rin sa kanilang isinagawang forum sa Makati City kung bakit kailangang pigilan ang paglawak ng kaso ng mental disorder at kung paano matutulungan ang dumaranas ng naturang NCDs.
Sa datos noong 2017, mayroong 970 million katao ang dumanas ng mental or substance use disorder, na nasa 5% ang bilang sa kabuuang mga sakit sa buong mundo.
Sa Filipinas, mayroong 3.3 milyong katao ang dumanas ng depresyon, 3.1 million sa anxiety disorders.
Habang noong 2012, mayroong 2,558 ang nagpakamatay.
Labis na ikinabahala ng mga health care professional ang nasabing senaryo kaya naman para kay Dr. Gia Sison, isang mental health advocate, na dapat agapan ang paglala ng sitwasyon ng isang pasyente o mga mahal sa buhay na dumaranas ng mental health disorder kaya naman inilunsad ang nasabing forum-seminar.
Upang maging malawak ang talakayan, inimbita rin sa nasabing forum-seminar ang iba pang mental health advocates na sina Riyan Portuguez at Ms. Janna Pulido ng #mentalhealthph na nakabantay naman sa social media.
Anila, kapag naispatan nila ang isang post na may suicidal tendency, agad nilang ina-alert ito upang matulungan.
Payo rin ng dalawa na kung may katrabaho o kapamilya na may kakaibang behavior, agad nang kausapin at pakinggan kung ano ang pangamba upang pigilan ang mas malalang gagawin sa hinaharap gaya ng pagpapakamatay.
Naniniwala si Sison na dahil bantad na sa social media ang lahat, malaki ang kaugnayan nito sa health issues at minsan ay mapanganib din na nakaaapekto sa isipan ng pasyente.
“I do think technology has a lot to do with the improvement of a lot of people’s perception about mental health issues. The internet provides such a wealth of information at the click of a finger. But this is dangerous too because even online, there are so many untruths that need to be unpacked first to get to the facts,” ayon pa kay Sison.
Samantala, isa pa sa sanhi kung bakit lumalala ang negatibong pag-iisip ng pasyente ay dahil hindi ito agad naa-address.
O kaya naman ay takot mag-come out o umaming kailangan ng professional help.
Sinabi ni Portuguez na isa sa maaaring gawin ng kaanak o kaibigan ng pasyente ay hikayatin itong magpakonsulta at kung sakaling nahihiya, huwag ipadama na isang nakatatakot ang kaniyang karamdaman.
Naniniwala rin si Melissa Comia, Upjohn Philippines General Manager, na dapat matanggal na ang takot o pagtatago (stigma) sa pagkakaroon ng naturang sakit upang matulungan ang kaanak na nagdurusa at layunin ng Upjohn na makatulong at mapigilan ang pagdami ng mental health disorder cases.
“The stigma is still there to break. We at Upjohn really want to see how we can help advance the movement beyond simple awareness. We think through events like this and by providing facts and sound science, we can contribute to improving the conditions of mental health in the Philippines,” ayon pa kay Comia.
Sang-ayon din ang isa sa resource person na si Dr. Robert Buenaventura, Board Secretary and Life Fellow of the Philippine Psychiatric Association na may stigma o nahihiya sa pagkakaroon ng mental health disorders.
“There is still stigma when it comes to seeking help for mental health disorders in the Philippines,” aniya.
Samantala, para naman kay Dr. Eleonor Ronquillo, Psychiatry Consultant sa The Medical City’s Department of Psychiatry, malaki ang maitutulong ng pamahalaan para pigilan ang kaso ng mental illness at suicide at isa rito ang Mental Health Act, RA 11036 na ang bawat Filipino ay may karapatan na mabiyayaan ng mental health care, pagkakaroon ng national mental health policy upang maisaayos ang mental health service delivery at maisulong ang proteksiyon sa karapatan ng bawat isa na magamit ang psychiatric, neurologic, at psychosocial health services.EUNICE C.
Comments are closed.