IPINAHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na isang ‘tremendous success’ o malaking tagumpay ang walang humpay na anti-illegal drug campaign ng administrasyong Duterte.
Ito’y sa kabila ng mga pagbatikos ng mga kritiko sa naturang drug war ng pamahalaan bunsod nang mga nagaganap na patayan o extra judicial killings (EJK).
Ayon kay Malaya, nagpopokus lamang ang mga kritiko sa sinasabing EJK upang ilarawan na bigo ang drug war ng pamahalaan.
Gayunpaman, naniniwala si Malaya na hindi ‘failure’ ang drug war ng pamahalaan at sa halip ay naging matagumpay ito.
“’Yung kritiko they focus on the EJK. Ang narrative nila ipakita na it has been a failure. I do not think it is a failure, it has been a tremendous success,” giit ni Malaya sa isang panayam.
Binigyang-diin nito na ang mahalaga ay kontrolado ang problema at napigilang lumala pa.
“Wala pa namang bansa na nag-solve ng drug problem completely. Kahit ang US, despite its resources, hindi naman talaga nauubos ‘yan. Ang importante po you keep it at bay,” dagdag pa ng opisyal ng DILG. EVELYN GARCIA
910577 559070There is noticeably a good deal to realize about this. I suppose you made certain good points in attributes also. 747935