AARANGKADA na ngayon ang dry run sa pagbubukas ng isla ng Boracay.
Prayoridad sa dry run ng pagbubukas ng isla ang mga residente sa paligid nito, ang mga Aklanon.
May 68 resorts at hotels ang pinahintulutan ng Boracay Inter-agency Task Force na makapag-operate.
Ininspeksiyon na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga compliant establishment para ma-assess ang kanilang water treatment facilities.
Nagbabala naman ang Department of Tourism (DOT) sa mga hotel at resort na huwag munang tumanggap ng mga booking hanggang hindi pa kompleto ang kanilang mga requirement.
Ang dry run ay magtatagal hanggang sa Oktubre 25.
Sa pamamagitan ng dry run ay magkakaroon ang DENR ng pagkakataon na subukan ang mga pasilidad sa isla at magkaroon ng pagkakataon para mapabuti pa ang mga ito bago ang pormal na pagbubukas ng isla.
Imo-monitor din ang pagpasok ng mga tao at ang paglimita sa mga turistang magtutungo rito.
Ayon sa DENR, isang bagong Boracay ang makikita ng mga turista matapos ang anim na buwang rehabilitasyon nito. NENET VILLAFANIA
Comments are closed.