DSWD-1 NAGBABALA PARA ‘DI MALAGLAG SA 4Ps

4ps

LA UNION – BINA­LAAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) RO1 ang mga 4Ps benificiaries na huwag gumawa ng paglabag na mag-aalis sa kanila sa listahan ng mga tumatanggap ng cash grant.

Ginawa ni Pantawid Information Officer Jaecem Gaces ang pahayag kasunod ng pagdami ng mga reklamo na natatanggap ng opisina hinggil sa mga benipisyaryo na umano’y nagsasanla sa kanilang 4Ps card at mga nagsusugal.

Sa katunayan ani­ya, noong buwan ng Mayo lamang, aabot sa 50 mga kaso ng misbehave partikular ang card pawning at gambling ang natanggap ng DSWD regional office.

Iginiit ni Gaces na maging compliant ang mga 4Ps benificiaries sa mga patakaran ng cash grant at itigil ang mga ilegal na gawain, kung nanaisin pa ng mga ito na manatiling recipient sa naturang programa ng gobyerno. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.