AMINADO ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi sapat ang P3,000 food stamp credit ngayong patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin, lalo ng pagkain.
Ginawa ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pahayag sa kanyang pagharap sa budget briefing sa House appropriations committee.
Ayon kay Secretary Gatchalian, bagaman maaaring tumagal ng dalawang linggo, hindi talaga sapat ang P3,000 subalit ito lamang ang kayang ibigay ng gobyerno dahil limitado ang pondo nito.
Ang naturang halaga ay napagdesisyunan ng DSWD batay sa datos ng PSA na ang food-poor ay kumikita lamang ng mas mababa sa P8,000 kada buwan.
-DWIZ 882