(DTI chief sa German firm)MAG-INVEST SA PINAS

FOREIGN INVESTMENTS-3

SINGAPORE — Hinimok ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual ang German companies na mag-invest sa Pilipinas.

Ginawa ito ni Pascual sa isang pagpupulong na dinaluhan ng German Federal Ministry of Economic Affairs and Climate Action sa pakikipagtulungan sa Asia-Pacific Committee of German Business at DTI-Berlin.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng pinagsamang delegasyon mula sa pamahalaan at sa pribadong sektor na pinamunuan nina Federal Minister for Economic Affairs Mr. Robert Habeck at Chairman of the Asia-Pacific Committee of German Business Mr. Roland Busch, tinuloy ni Pascual ang 3rd quarter GDP growth ng bansa na 7.6%, na sinamahan ng legislative reforms ng gobyerno.

Binanggit pa ng DTI chief ang foundational strengths na kinabibilangan ng “large pool of young, vibrant, and trainable workforce and a much-improved infrastructure” bilang mahahalagang dahilan kung bakit dapat ikonsidera ng German companies ang pag-i-invest sa Pilipinas.

Gayundin ay hiniling ni Pascual ang suporta ng Germany sa aplikasyon ng Pilipinas para sa renewal ng EU GSP+.

Si Minister Habeck ay sinamahan ng mga lider mula sa iba’t ibang industriya na kinabibilangan nina Mr. Roland Busch, CEO of Siemens; Mr. Peter Rankl, President of Continental; Mr. Axel Stepken, Chairman of the Board of Management, TUIV-Sud; Ms. Silke Klausen, Regional Representative Asia-Pacific, Thysssenkrupp AG; at Mr. Christopher Zimmer, Executive Director, German-Philippine Chamber of Commerce and Industry.