NAGSAGAWA ang Department of Trade and Industry (DTI)’s Philippine Trade and Investment Center (PTIC) sa Mexico City, kasama ang Philippine Embassy sa Mexico, ng unang Trabaho, Negosyo Kabuhayan (TNK) Seminar sa Latin America kamakailan na ginanap sa Mexico City’s Galeria Plaza Reforma Hotel.
Ang TNK Seminar ay inisyatibo ng DTI, sa pakikipag-partner sa pribadong sektor, ang academe, civil society organizations, at iba pang ahensiya ng gobyerno. Layon ng departamento na magkaroon ng trabaho at magtaguyod ng negosyo sa overseas Filipinos sa pagbibigay sa kanila ng impormasyon, contacts, at ibang kailangang resources sa pamamagitan ng seminar.
Binuksan ni Consul Ma. Carmela Teresa A. Cabreira ang programa at sinalubong ang mga dumalo at ka-sali sa seminar. Sinundan ito ng presentation ng TNK at DTI entrepreneurship at innovation pro-gramme ni Commercial Counselor Vichael Angelo D. Roaring.
Tatlumpu’t pitong miyembro ng Filipino community sa Mexico ang sumali sa seminar, kung saan nagkaroon ng palitan ng karanasan sa negosyo. Nagsalita si Carlo Malana, miyembro ng Filipino community at senior executive ng AT&T, at nagbigay sa mga dumalo ng motivational talk tungkol sa financial literacy.
Nagpahayag din ang mga sumali sa seminar ng interest kung paano maging overseas Filipino investors o OFIs. Ilan sa kanila ang gustong sumali sa Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3), ang micro-finance program para sa small and micro-enterprises ng DTI.
Comments are closed.