SA GITNA ng panganib ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV), patuloy ang monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) ng supply at demand ng surgical at N95 masks sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Base sa huling monitoring na ginawa ng DTI kamakailan sa mga pangunahing botika at drug stores sa CAR, sinabi ni Regional Consumer Protection Officer-in-charge Jerry Agpes kamakailan na parang ang pagkawala ng supply ay nararanasan sa buong rehiyon.
Sinabi ni Agpes na ang stocks na dapat mai-deliver sa mga botika ay hindi naidi-deliver ng nasa dapat na iskedyul.
“The pharmacies are expecting sana deliveries nila so accordingly hindi daw dumating deliver nila from last week and even this weekend,” sabi ni Agpes.
Ipinaalam na nila ang problemang ito sa DTI central office, na ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa local at international suppliers ng masks.
“They are presently talking to suppliers to find out the problem and address the shortage,”ani Agpes.
“For now there are no production masks because the machines and other materials needed for to produce are being fixed,” sabi pa niya, dagdag pa na nakikipag-usap na sila sa mga tao at ahensiyang may kinalaman.
Lahad pa ni Agpes na iisa lamang ang manufacturer ng surgical masks sa bansa at ang ibang suppliers ay galing sa labas.
Tinatantiya na ng DTI pagkakaroon ng stocks ng face masks sa merkado.
“Nagmo-monitor tayo even during the Taal issue and medyo lacking na ‘yung supply natin,” aniya pa.
Tinitingnan ang posibilidad na mayroong pagtatago ng supplies bilang isa sa dahilan kung bakit wala ito sa merkado.
“At this time hindi muna natin masasabi ang hoarding kasi when we went to the stores sabi naman nila wala talaga,” lahad pa niya.
Naging in demand ang surgical masks at ang N95 masks sa buong mundo kasunod ng report ng panganib ng nCoV virus. PNA
Comments are closed.