DTI PROBE PINAIGTING SA STEELMAKERS NA GUMAGAMIT NG INDUCTION FURNACE

DTI-STEELMAKER

PINAIGTING ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-iimbestiga sa mga steel manufacturer na gumagamit ng induction furnace sa gitna ng mga ulat ng substandard products mula sa naturang mga kompanya na mapanganib para sa mga Pinoy na nagtatayo ng kanilang mga sariling tahanan.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na hindi nila titigilan ang pag-iimbestiga sa mga steel company na gumagamit ng induction furnace, lalo na’t nag-abiso na ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa member countries nito na i-ban ang paggamit ng induction furnace para sa steelmaking.

“We confiscate substandard materials. We test them on the spot, weigh them and measure their size. We also check on their labels…and issue notice of violation,” wika ni Castelo, na siya ring head ng Consumer Protection Group ng DTI.

“We have two procedures in our investigation. It could be direct from small retailer and then go up to its supplier or from the supplier to where they distribute…so we’re working on it as a whole approach,” aniya, at idinagdag na binisita pa niya ang isang induction furnace plant.

Binuo ng mga steel manufacturer na gumagamit ng induction furnace ang grupong Philippine Induction Smelting Industry Association (PISIA), kung saan kabilang sa mga miyembro nito ang Real Steel Corp., Wan Chiong Steel Corp., at Mel­ters Steel Corp., na pawang naka-base sa  San Simon, Pampanga; Metro Dragon Steel Corp. sa Ca­loocan City; at Davao Mighty Steel Corp. sa Davao City.

Nauna nang nagbabala ang ASEAN Iron and Steel Council (AISC) sa ASEAN member nations hinggil sa paggamit ng induction furnace na tinawag nitong ‘obsolete at outdated ma-chinery’ dahil ipinagbabawal na ito sa China.

“The adverse impact from the use of induction furnace could arise from ‘production of substandard quality steel products, which could pose safety hazard as construction materials,” ayon sa AISC.

Sinabi ni Castelo na sa lalong madaling panahon ay tatapusin na ng DTI ang imbestigasyon nito sa paggamit ng induction furnace, kasabay ng pagbibigay ng babala sa mga consumer na bumibili ng construction materials na maging mapagbantay at tingnan ang labels ng steel products na kanilang binibili.

“Our consumers may not know if the construction materials that they’re buying passed our standards but they should at least be aware of the labeling so that they know who are the manufacturers of these products,” aniya.

Comments are closed.