TALIWAS sa alegasyon na hindi ligtas gamitin ang Quench-Tempered (QT) steel, nilinaw ng metallurgical exerts at industry stakeholders na ang QT steel ay pangunahin pa rin na ginagamit sa mga high-rise construction.
Sa katunayan, sa nakaraang tatlumpung taon, higit sa 190 na mga bansa sa mundo ang karaniwang gumagamit nito. Ito ay ayon sa pahayag na inilabas sa isang forum na isinagawa ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI) noong ika-11 ng Mayo 2018, na may layuning linawin ang isyu tungkol sa QT steel.
Pinapayagan pa rin ng Kagawaran ng Pagawaing Pampubliko at mga Lansangan (DPWH) ang paggamit ng QT steel sa konstruksiyon nang naaayon sa mga limitasyong itinakda ng National Structural Code of the Philippines (NSCP). Patuloy rin ang paggamit ng QT steel sa pagtatayo ng matatas na gusali ng mga ahensiya ng gobyerno at mga pribadong kompanya.
Ipinaliwanag sa naturang forum na ang mga high-rise na konstruksiyon ay nangangailangan ng komprehensibong pagpaplano, pagbuo ng disenyo, pagtukoy at paglilinaw ng mga proseso, paggawa, at pagpapatayo, ng mga eksperto at propesyonal na binubuo ng technically-competent designers, engineers, at constructors, na may responsibilidad na siguraduhin ang kaligtasan ng publiko.
Nabanggit din ng ng Association of Structural Engineers of the Philippines o ASEP na ang mga engineer, lalo na ang mga design at structural engineer, pati na rin ang mga construction practitioner, ay binibigyang lisensiya ng Professional Regulation Commission.
Dagdag ng ASEP, sila ay mahigpit na sumusunod sa mga probisyon ng NCSP. Hindi nila, sa anumang paraan, sisirain ang kanilang mga propesyon sa pag-aaras ng mga hindi ligtas na materyales pangkonstruksiyon.
Sa tulong ng mga pag-aaral na nagsasabing ang QT steel ay pumasa sa mga pagsusuri, naninindigan ang DTI na ang nasabing material ay ligtas na gamitin sa mga high-rise construction, at walang ibang teknikal na basehan na nagsasabing hindi ito ligtas gamitin.
Patuloy pa rin ang DTI sa pagtupad ng layunin nito na siguraduhin ang kalidad at kaligtasan ng mga produkto, higit ng mga materyales pangkonstruksiyon na gamit ngayon sa tinaguriang ‘Golden Age of Infrastucture’ sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng pamahalaan. Joyce Ria Estares
Comments are closed.