HINIKAYAT kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ang mga batang may edad 7 at pataas na makapasok sa malls.
Ginawa ni DTI Secretary Ramon Lopez ang kahilingan sa IATF sa gitna ng Christmas season.
Gayunman, sinabi ni Lopez na ang kanyang suhestiyon ay limitado lamang sa dining at pagbili ng essentials.
Mananatiling sarado ang mga arcade upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.
Bukod dito, sinabi ni Lopez na maaaring magpatupad ng mas mataas o mas mababang age limit ang mga local government unit, depende sa COVID-19 situation sa kani-kanilang nasasakupan.
Magugunitang noong Oktubre ay inanunsiyo ng IATF na maaari nang lumabas ng bahay ang mga may edad 15 hanggang 65.
Comments are closed.