NEW YORK – Sina Brooklyn Nets forward Kevin Durant at Los Angeles Lakers playmaker LeBron James ang nangungunang vote-getters sa early balloting para sa NBA All-Star Game.
Walang showdown ng elite Eastern at Western conference squads ang nakatakda dahil sa COVID-19 issues na nagpaikli sa season, subalit nagpapatuloy ang pag-uusap sa pagitan ng liga at ng mga player hinggil sa pagdaraos ng naturang game sa Marso.
Si Durant — nangunguna sa balloting na may 2,302,705 votes — ay may average na 30.8 points, second-best sa NBA, 7.5 rebounds at 5.2 assists kada laro para sa Nets, na may 14-9 record at rank third sa Eastern Conference.
Samantala, si James — bumabandera sa Western Conference na may 2,288,676 — ay may average na 25.0 points, 7.7 rebounds at 7.5 assists kada laro para sa reigning NBA champion Lakers, na third overall sa West sa 16-6.
Kasama ni Durant sa East frontcourt spots sina two-time reigning NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo of Greece na may 1,752,185 votes at Cameroonian big man Joel Embiid ng Philadelphia 76ers na may 1,584,028. Nasa malayong fourth si Boston’s Jason Tatum sa 822,151.
Sa West frontcourt ay sumusunod kay James si by Serbian center Nikola Jokic ng Denver na may 1,477,975 votes, habang pangatlo si Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers na may 1,285,777. Nasa ika-4 na puwesto si Anthony Davis ng Lakers na may 1,192,881.
Nangunguna si Golden State’s Stephen Curry sa West backcourt na may 2,113,178 votes, third sa overall balloting, kasunod si Dallas guard Luka Doncic ng Slovenia sa 1,395,719. Pangatlo si Portland’s Damian Lillard na may 998,853.
Pinangungunahan naman ni NBA scoring leader Bradley Beal ng Washington Wizards, may average na 34.8 points kada laro, ang East guards sa 1,273,817 votes habang pumapangalawa si Brooklyn’s Kyrie Irving sa 1,093,611, kasunod si teammate James Harden sa 1,014,763.
Ang worldwide fan voting ay nagsimula noong nakaraang linggo at matatapos sa Pebrero 16. Ang starting lineup selections ay iaanunsiyo sa Pebrero 18 at ang All-Star reserves na pinili ng NBA coaches ay pangangalanan sa Pebrero 23.
Comments are closed.