DUTERTE BUKAS SA VFA SA IBANG BANSA

Presidential Spokesman Salvador Panelo-5

BUKAS pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na pumasok sa panibagong Visiting Forces Agreement (VFA) sa ibang bansa.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsabing hindi  tulu­yang nagsasara ng pintuan ang Chief Executive patungkol sa posibilidad na magkaroon ng Visiting Forces sa ibang bansa.

Ayon kay Panelo, kung makakabenepisyo naman ang bansa sa pagkakaroon ng kasunduan sa ibang mga bansa ay nasisiguro niyang magi­ging bukas ang Pa­ngulong Duterte sa posibilidad na pumasok sa bagong kasunduan.

Sinabi pa ni Panelo na basta pabor sa atin o kapwa beneficial sa kung alinmang bansa na ating makakausap na may kinalaman sa VFA ay tiyak na ikokonsidera ito ng pamahalaan.

Pero sa ngayon  ang Pangulo ay matibay ang posisyon na maiging magsolo muna at umasa sa sariling defense capability ng bansa.

Hindi naman aniya maaaring sa habang panahon ay nakadepende na lang ang Filipinas sa ibang bansa sa lara­ngan ng depensa laban sa ibang bansa.

“Basta palaging pabor sa atin, basta kung mutual benefit to both countries, we are open. But the President—again, I will repeat, he said it’s about time we rely on ourselves. We will strengthen our own defenses and not rely on any other country” dagdag pa ni Panelo.

Magugunita na ipinag-utos na ng Pangulo ang pagbasura sa VFA sa pagitan ng Filipinas at Amerika.

Samantala, hindi na ikinagulat ng Malakanyang ang naging pahayag ni US Secretary of Defense Mark Esper na maling direksyon ang tinatahak ng Filipinas nang magpasyang iba­sura ang VFA.

Ayon kay Panelo, malinaw  na ang VFA ay higit na naging paborable at  kapaki-pakinabang lamang sa Amerika.

”We expect no less for such a reaction from the US government following its receipt of the notice of termination of the VFA. Such a commentary is expected given that the VFA favors the US and its abrogation affects its global strategic defensive positioning. From our point of view however, the decision to terminate the VFA is a move in the right direction that should have been done a long time ago,” sabi ni Panelo.

Sinabi ni Panelo na tiyak din na maapektuhan ang strategic defensive positioning ng Amerika ngayong wala na ang VFA.

Nanindigan pa si Panelo na nasa tamang direksyon ang Filipinas at dapat ay matagal nang ginawa ang pagbasura sa kasunduan.

Nakabatay   aniya  ang ginawa ng Pangulo sa  pagbalangkas ng independent foreign policy kung saan binibigyang halaga ang interes ng taumbayan.

“As the President says, “We are friends to all, enemies to none.” Should any country however threaten our territorial integrity and assault our sovereignty, we will rise by our own resources and valiantly defend our motherland the way our forefathers did during their time,” dagdag pa ni Panelo. EVELYN QUIROZ