DUTERTE IDINEPENSA SA  KAGUSTUHANG IBASURA ANG VFA

DUTERTE-41

MAPALAD umano ang sambayanang Filipino na mayroon itong lider, sa katauhan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na matibay sa pani­nindigan patungkol sa pagkakaroon ng patas na relasyon ng pamahalaan sa gobyerno ng iba pang mga bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Speaker Alan Peter Cayetano bilang reaksiyon sa naunang pahayag ng Punong Ehekutibo na nais nitong kanselahin na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Filipinas at Estados Unidos.

“We are fortunate that we are having these discussions and reassessing our relationships at a time when we are much stronger at hindi natin kailangan kumapit sa patalim,” pahayag ni  Cayetano.

“President Duterte has always been very clear – The Philippines shall be a friend to all nations and an enemy to none. But friendship is only real if it is built upon a foundation of equality and mutual respect.”

Suportado ng House Speaker ang hakbang na muling pag-aralan hindi lamang ang VFA kundi maging ang tunay na kalagayan sa ngayon ng RP-US relation.

“Let’s spend the next few days reviewing not only the VFA but our long relationship with the United States Government. Their position on critical issues vis-a-vis our position – especially those affecting Philippine domestic matters – must be reexamined.” Ani Cayetano.

Subalit sa ngayon, sinabi ng House Speaker na kung titignang mabuti, ay pinabayaan ng Amerika ang Filipinas, kabilang na ang kawalan nito ng aksyon sa pang-aagaw ng ating teritoryo ng iba na­ting kalapit na bansa. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.