SEOUL, S. Korea – IGINIIT ng Pinay na nakabase sa bansang ito na walang malisya ang lips to lips nila ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo nang pulungin ng presidente ang Filipino community roon.
Sa isang panayam sa Pinay na si Bea Kim, sinabi nitong walang malisya ang paghalik ni Pangulong Duterte at isa aniyang karangalan na mangyari iyon dahil kung nasa Pilipinas siya ay hindi magaganap iyon.
Aniya, pitong taon na siya sa Korea kung saan isang Korean ang kaniyang napangasawa at mayroon na silang dalawang anak.
Paliwanag pa ni Kim, ang paghalik ay isa lamang twist at pampakilig sa mga audience.
“Walang ibig sabihin ‘yun, promise. Walang ibig sabihin – sa akin, sa kanya (PDU3), walang ibig sabihin, ” ayon pa kay Kim. PMRT
Comments are closed.