DUTERTE NAKAKUHA NG KAKAMPI VS VFA

DUTERTE-40

KINATIGAN ni dating United Nations (UN) Ambassador Reynaldo Arcilla ang desis­yon ng pamahalaang Duterte na i-terminate ang Visiting Forces Agreement (VFA), gayundin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Estados Unidos dahil ito ay  paglabag sa 1987 Constitution.

Sa isang panayam ng PILIPINO Mirror, iginiit ni Arcilla na nararapat lamang at panahon nang ibasura ang dalawang naturang kontrabersiyal na kasunduan bunsod ng kawalan ng pakinabang nito sa panig ng Filipinas.

“The Philippines can be self-reliant when it comes to enhancing its military’s defense capabilities without the USA,” sabi ng embahador. “The way I see it, we don’t need VFA as a necessity in terms of even our national security. In fact, it’s an argument why our military weakened,” dagdag nito.

Binanggit pa nito ang Article 18 Section 25 na nakasaad na matapos mapaso noong 1991 ang kasunduan sa pagitan ng Filipinas at Amerika kaugnay ng military bases, foreign military bases, troops o anumang pasilidad ay hindi na maaaring mapayagan sa teritoryo ng bansa hangga’t hindi pinapayagan at pagtibayin ng dalawang kapulungan ng Kongreso na niratipikahan ng mayorya ng boto ng mamamayan sa isang national referendum para tuluyang kilalanin ang nasabing kasunduan.

“Even the US Senate refused to sign the agreements, therefore VFA and EDCA were “null and void ab initio,” wika ni Arcilla.

Nauna rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na atasan ang Department of Foreign Affairs na ipadala sa Amerika ang official notice para materminate ang VFA.

“An independent country like us, especially since we have an independent foreign policey, the usual logic is you would enhance your defense capabilities, and not depend on other countries if you’re pro-military,” dagdag pa ni Arcilla.

Nakilala si Arcilla nang magsilbi ito sa DFA sa loob ng mahigit 30 taon sa serbisyo at nahirang bilang deputy permanent representative na may rank na ambassador sa United Nations. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.