DUTERTE NANINDIGAN SA VFA

Pangulong Rodrigo Duterte-3

“THE President’s position remains unchanged,”.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ginanap na press briefing kahapon sa Malakanyang kaugnay sa ulat na umano’y pakikipag-usap ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez  sa kanyang counterpart sa Washington.

Ayon kay Panelo, walang  bagong  defense  pact na  niluluto sa  pagitan ng  Filipinas at Amerika at maging  sa  kahit  na alinmang  bansa.

Sinabi ni Panelo na  malinaw  ang  posisyon ni Pangulong  Rodrigo Duterte nang magdesisyon sa pagbasura ng Visiting Forces  Agreement (VFA)  at  hindi ito nagbabago ng posisyon.

“The position of the President is to have an independent foreign policy. And that means if any treaty or agreement is abrogated then necessarily certain consequences will follow,” wika ni Panelo.

“And the President has already said that he has studied that. So we are prepared for whatever consequences that may arise out of the abrogation or termination of any executive agreement or treaty,” giit pa ni Panelo.

Pinaliwanag pa ni Panelo na hindi naman maaring  pigilan si Ambassador Romualdez  na  makipag-usap sa  kanyang  counterpart dahil bahagi ito ng  diplomasya.

“You cannot  stop the ambassador from entertaining talks  or initiatives  coming  from his counterpart. That’s diplomacy. For future  use, kung  baga. Baka  they want to talk. Hayaan mo na silang  mag-usap.  Basta  the  position  of the  President remains  unchanged,” wika  ni Panelo.

Napaulat na umano’y may nagaganap na pag-uusap sa pagitan ng Fi­lipinas at Amerika upang makabuo ng panibagong kasunduan makaraang ibasura ang VFA.

Sinabi pa ni Pa­nelo na alam din naman ni Romualdez ang  desisyon ni Pangulong Duterte  at nagsalita  na rin ito na walang  bagong  kasunduan na  pinag-uusapan sa  pagitan ng  dalawang  bansa. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.