PINATUTUGIS ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga indibiduwal na umaabuso sa karapatan ng mga tao sa data privacy kasabay ng panawagan na proteksiyonan ang mga consumer mula sa online scammers.
Sa kanyang ika-5 State of the Nation Address, inatasan ni Duterte ang Department of Trade and Industry na tiyakin ang pagbibigay-kapangyarihan sa mga Filipino sa consumer rights at pagtugmain ang mga estratehiya sa pagitan ng public at private organizations sa pagtatayo ng ‘fair, safe, resilient and sustainable economy’.
Ayon sa Pangulo, bagama’t may major developments sa sektor ng komersiyo at industriya, may economic activities na may kakaunti lamang na regulatory control.
“They expose consumers to various risks related to security, data, privacy and misrepresentation. We must patrol the country’s cyberspace and enforce online consumer and data protection and privacy laws,” anang Pangulo.
“We must run after online scammers and those undermining the people’s trust on online transactions. We must continue to protect Filipinos in the new normal and remind the world that they are responsible stewards of data. I am committed to protect both physical and digital lives of our law-abiding countrymen,” dagdag pa niya.
Nauna nang pinayuhan ng Pangulo ang publiko na maging maingat sa pagbili online.
Comments are closed.