PINAPURIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opening night ng Southeast Asian Games kasama na ang lahat ng grupo at indibiduwal na nasa likod nito.
Lalo pang natuwa ang Pangulo nang humakot agad ng 23 gold medals ang Pinoy athletes sa unang araw ng kompetisyon noong Linggo at patuloy na namamayagpag kahapon.
Kabilang sa pinapurihan ng Pangulo ang organizers, performers at volunteers sa pagtatanghal ng opening ceremony ng SEA Games na kauna-unahang ginanap sa isang dambuhalang indoor stadium.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, isang palabas ng pagkakaisa ng mga Filipino ang opening night dahil dumagsa ang mga manonood nito mula sa iba’t ibang estado ng buhay at iba’t ibang grupong politikal upang suportahan ang mga atletang Pinoy.
“Once again, the Filipino nation rose to the challenge and exhibited before the world the cultural genius of the Filipino and the best of Filipino talent giving world-class performances of our singers and dancers with impressive stage design and production, including the cauldron lighting ceremony, as well as the mesmerizing fireworks display,” ayon kay Panelo.
Tinukoy ng Palasyo ang saya at ingay ng mga manonood nang pumarada na sa entablado ang koponan ng Filipinas sa saliw ng awiting ‘Manila’. Kinilala rin nito ang presensiya ng walong sports legends na sina Bong Coo, Alvin Patrimonio, Lydia de Vega, Eric Buhain, Akiko Thompson, Paemg Nepomuceno, Onyok Velasco at Efren ‘Bata’ Reyes. Ayon kay Panelo, pinasaya ng walong sports icons ang mamamayang Filipino at binigyan ng hindi matatawarang inspirasyon ang mga atletang Pinoy.
Hindi rin pinalampas ng sikat na The Strait Times ng Singapore ang opening ceremony at inilathala sa kanilang pahayagan na dalawang oras lang ang katapat upang mabura ang mga negatibo at mapanirang balita na ibinato sa 30th SEA Games sa nagdaang ilang araw.
Kaugnay nito, umaasa ang Palasyo na magsisilbing inspirasyon at tutularan ng ibang bansang nakatakdang mag-host ng SEA Games sa susunod na mga taon ang hosting ng Filipinas sa naturang palaro.
“The opening ceremony has set the bar high for prospective hosts of international sporting events. For us, this ceremony should remind us that with unity, camaraderie and support, WeWinAsOne. Cheers!’ ayon pa kay Panelo.
Humataw naman nang todo sa kanilang mga event ang koponan ng Filipinas na nakapagtala na ng 23 gintong medalya sa unang araw pa pa lamang ng SEA Games.
Inaasahan ng mga organizer at sports official ng Filipinad na makokopo ng ating bansa ang overall championship sa 30th SEA Games.
Comments are closed.