TILA lumambot na ang puso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN at tinanggap na kahapon ang paumanhin ni ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak.
Ang paghingi ng sorry ay inihayat ni Katigbak sa pagdinig sa Senado kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN nitong Lunes.
Paliwanag na ng Pangulo, wala siyang kinalaman sa quo warranto petition na isinampa ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN franchise.
“Basta sabi ko, tinatanggap ko na ‘yun. Wala akong kinausap. I never really called anybody about this, even before,” saad ng Pangulo sa pagdalo nito sa awarding ng mga recipient ng Ani ng Dangal sa Malacañang nitong Miyerkoles.
Sinabi nito na hindi na niya tatanggapin ang isinauling P2.6-million ng ABS-CBN sa hindi napalabas na campaign ad, at nais niyang ibigay na lang ito ng Kapamilya network sa charity na kanilang nais.
Comments are closed.