DYIP DISKARIL SA E-PAINTERS

rain or shine vs dyip

Mga laro sa ­Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – TNT vs Blackwater

7 p.m. – San Miguel vs Phoenix

SUMANDAL ang Rain or Shine sa late heroics ni import Joel Wright upang maitakas ang 96-90 panalo laban sa Columbian sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Umiskor si Wright ng limang sunod  na puntos sa huling isang minuto matapos na kunin ng Car Makers ang kalamangan, 89-87, sa tres ni Juan Miguel Tiongson.

Ipinoste ng Elasto Painters ang unang panalo sa dalawang laro matapos na  yumuko sa NorthPort sa opening game.

Nanatili si Wright sa bench sa third period dahil sa foul trouble at bumalik sa fourth period upang bitbitin ang Elasto Painters sa panalo sa tuwa nina team owners Terry Que at Raymond Yu.

“We played good both offense and defense. We moved the ball around this time,’ sabi ni coach Caloy Garcia.

Tumipa si rookie Rey Nambatac ng 11 points, 3 assists at 3 steals sa krusyal na third period at muling itinanghal na ‘best player of the game’.

Muling nadominahan ng Elasto Painters ang Dyip na kanilang tinalo sa overtime, 88-86, sa Commissioner’s Cup.

Maagang umarangkada ang Columbian sa mga puntos nina rookie CJ Perez, import Khapri  Alston, Glen Khobuntin at Filipino-American Rashawn McCarthy.

Hindi na-sustain ng Car Makers ang kanilang mainit na opensiba at bumigay sa huli.

“We failed to sustain our offensive down the stretch. We committed numerous errors and made poor shots selection,” malungkot na pahayag ni coach Johnedel Cardel. CLYDE MARIANO

Iskor:

Rain or Shine (96) – Wright 30, Nambatac 17, Exciminiano 10, Mocon 10, Borboran 9, Daquioag 8, Torres 7, Norwood 2, Rosales 2, Ponferada 1, Yap 0, Belga 0, Onwubere 0.

Columbian (90) – Alston 23, Perez 22, Khobuntin 14, Tiongson 10, McCarthy 9, Cahilig 5, Camson 3, Flores 2, Calvo 2, Faundo 0, Reyes 0, Celda 0, Gabriel 0, Gabayni 0.

QS: 23-14, 44-44, 66-63, 96-90

Comments are closed.