Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Magnolia vs TNT
7:30 p.m. – NLEX vs Ginebra
SUMANDAL ang Hong Kong Eastern sa mainit na third quarter upang pataubin ang Blackwater, 84-75, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.
Agad na gumawa ng ingay si Chris McLaughlin sa kanyang unang laro sa PBA bilang import ng Hong Kong-based guest team, na na-outscore ang Blackwater, 27-9, sa third quarter.
Ito ang ika-4 na panalo ng Eastern sa limang laro habang ipinalasap sa Blackwater ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan.
Tumapos si McLaughlin, pumalit kay Cameron Clark, na may 32 points at 23 rebounds.
Nagdagdag si Glen Yang ng 14 points at 7 rebounds, habang nagposte si Kobey Lam ng 10 points at 11 rebounds sa kanyang pinakamagandang laro sa conference magmula nang bumalik sa PBA makaraang maglaro para sa Bay Area Dragons sa 2022-23 season.
Masaya si Eastern coach Mensur Bajramovic na nakinig ang koponan sa babala ng coaching staff kontra Blackwater.
“Before the game, we talked during our preparation that this team (Blackwater) can play very good. They can move the ball and they can score. If you don’t have patience and full energy as usual, we have a problem. We missed a lot of shots and didn’t play as a team,” sabi ni Bajramovic.
“Second half, we fixed it. We started to move the ball better, made some shots, and took control of the game. And I think we deserve to win this game,” dagdag pa ni Bajramovic.
Nanguna si George King para sa Blackwater na may 41 points at 12 rebounds, subalit hindi na naman nakakuha ng sapat na suporta mula sa kanyang teammates.
Nagdagdag si Sedrick Barefield ng 9 points at 7 rebounds para sa wala pang panalong Bossing.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Eastern (84) – McLaughlin 32, Yang 14, Lam 10, Guinchard 8, Xu 7, Cheung 5, Cao 4, Blankley 2, Pok 2, Chan 0, Zhu 0.
Blackwater (75) – King 41, Barefield 9, Suerte 9, Chua 4, Kwekuteye 4, David 4, Ilagan 3, Ponferrada 1, Casio 0, Hill 0, Guinto 0, Escoto 0.
Quarters: 23-21; 39-49; 66-58; 84-75.