CAMP CRAME -PINAWI ng Philippine National Police (PNP) ang pangamba ng publiko laban sa looting at food shortages ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Ito ay sa gitna ng ipinaiiral na lockdown na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pangontra sa pagkalat ng COVID-19.
Magugunita sa kanyang report kay Interior Secretary Eduardo Año at PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa, sinabi ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan na ang mga scenario na ito ay tinalakay sa Executive Officer’s meeting sa Camp Crame. kamakailan.
Unang araw pa lamang aniya ng ECQ ay nakalatag ang contigency plan para kontrahin ang looting, mass demonstrations, deaths at pag-atake sa mga public official.
Noong Huwebes ay itinanggi ni Gamboa ang looting sa grocery stores sa McKinley at tiniyak na tutugisin ang nagpakalat ng fake news saka kakasuhan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.