TILA dumaan sa isang bangungot ang buong mundo sa pag-atake ng nakamamatay na sakit na tinatawag na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bakas ang pangamba at takot sa mukha ng mga tao dahil sa pandemyang ito.
Sa isang iglap ay nagbago ang buhay ng mga tao. Ang trabaho, transportasyon at iba pa ay nahinto.
Sa kabila nito, ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ay gumagawa ng paraan upang ang mga pampublikong serbisyo ay magpatuloy. Bagama’t pinairal ang community quarantine o pansamantalang pagpapanatili sa loob ng bahay, isa sa mga ahensiya ng gobyerno na nagpapatuloy ay ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).
Naging masidhi ang layunin nito na hindi mahinto ang pag-aaral ng mga estudyante.
Naglatag ito ng iba’t ibang estratehiya at pamamaraan sa Inter-Agency Task Force (IATF) na kanila namang isinumite sa Malacañang upang mapag-aralan ang mga panukala ng DepEd, na kaakibat sa layunin nitong “Sulong Edukalidad, Walang Maiiwan”.
Dahil sa masusing pag-aaral na ipinakita at ipinaliwanang ni DepEd Sec. Leonor T. Briones, napapayag nila ang pamahalaan na magbukas pa rin ng klase sa Agosto 24 ng kasalukuyang taon.
Samantala, nawala naman ang pangamba ng mga magulang, mag-aaral at mga guro dahil sa ipaiiral na Distance Learning at hindi face-to-face classes.
Comments are closed.