Mga laro bukas:
(Alonte Sports Arena)
4:30 p.m. – Phoenix vs NLEX
7 p.m. – Ginebra vs Blackwater
PINUTOL ng Columbian Dyip ang winning streak ng Rain or Shine Elasto Painters sa pamamagitan ng 104-96 panalo sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.
Hindi inaasahan ang pagkatalo ng ROS sa dating Kia team na kulelat sa nakaraang dalawang conferences.
Sa panalo ay umangat ang Dyip sa 3-5 kartada, habang bumaba ang Elasto Painters sa ikalawang puwesto sa 3-1, sa likod ng wala pang talong Talk ‘N Text na may 3-0 marka.
“They played good defense and their offense was also good. All contributed to the victory. Hopefully, we keep this game and even play better in our future games,” sabi ni Columbian coach Ricky Dandan.
Dinomina ng Columbian ang laro kung saan lumamang ito ng 10 points, 55-45, at hindi na lumingon pa upang iposte ang upset win kontra ROS sa lungkot ni coach Caloy Garcia nagsabi na hindi nila na-execute nang husto ang kanilang game plan.
“We failed to execute perfectly our game plan and committed many lapses,” ani Garcia.
Naitabla ng Elasto Painters ang talaan sa 82-82 sa tira ni Raymond Almazan matapos sumablay ang Columbian.
Subalit hindi nila nasustina ang momentum at muling nabawi ng Columbian ang bentahe sa 97-90, may limang minuto ang natitira.
Nanguna para sa Columbian si John Fields na humataw ng game-high 34 points sa 13 of 17 sa fields, 8 of 9 sa charity lane at 11 rebounds. CLYDE MARIANO
Iskor:
Columbian (104) – Fields 34, McCarthy 23, King 13, Cahilig 8, Lastimosa 7, Celda 7, Tubid 4, Cabrera 3, Sara 2, Corpuz 2, Camson 1, Escoto 0.
Rain or Shine (96) – Johnson 30, Daquioag 17, Almazan 16, Tiu 9, Belga 7, Norwood 6, Yap 4, Ahanmisi 3, Torres 3, Nambatac 1, Washington 0.
QS: 31-28, 58-53, 82-80, 104-96
Comments are closed.