ELECTRONICS, SEMICONDUCTOR EXPORTS NAKABABAWI NA

NAKAKAREKOBER na ang electronics at  semiconductor export ngayong taon matapos ang double-digit growth sa export revenues noong Pebrero, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual.

Tinukoy ang preliminary data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang outbound shipment ng electronic products ay tumaas ng  26.8 percent sa USD3.4 billion noong February 2024 mula USD2.7 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

“This was driven by semiconductor exports, which expanded by 31.9 percent to USD2.65 billion, marking the highest value of semiconductor exports recorded in February over the past decade,” ayon sa DTI.

“The electronics sector is evidently recovering, even catching up with the export figures from two years ago,” wika ni Pascual sa isang statement noong Miyerkoles.

“We are hopeful that this growth momentum will be sustained in the coming months.”

Aniya, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang ahensiya sa mga stakeholder, tulad ng pribadong sektor, development partners, at iba pang ahensiya ng pamahalaan, upang higit na maging kumpetitibo ang Philippine export products sa global market.

Isa sa mga inisyatibong ito ay ang pagbisita kamakailan ng isang  DTI delegation sa South Korea upang matutunan ang support programs ng  East Asian country gaya ng  Origin Management System for the Promotion of FTAs (free trade agreements) in the Philippines Project, na pinondohan ng Korean government.

Ang Origin Management System ay isang platform kung saan maaaring matukoy ng mga  exporter kung ang kanilang mga produkto ay puwedeng mag-qualify sa ilalim ng kani-kanilang  origin requirements ng FTAs at ng generalized system of preferences (GSPs).

“We see the immense potential in this project to boost the development and growth of Philippine exports by simplifying the exporting process and leveraging FTAs/GSP,” sabi ni DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo.

Nakipagpartner din ang Export Marketing Bureau sa Intellectual Property Office of the Philippines at sa Philippine Export Confederation upang ialok ang Juan for the World Program.

Ang global trademark incentive initiative ay naglalayong tulungan ang  Filipino micro, small, and medium enterprise (MSME) exporters na magtayo ng malakas na brand identity at protektahan ang kanilang trademarks.              

(PNA)